Ano mapapala mo jan?
Sinasayang mo lang oras mo
Anong mangyayari paglaki mo?
San ka dadalhin niyan?
Karaniwang sinasabi ng karamihan
Na nagkukunwaring merong nalalaman
Sa mga bagay na aming pinagkakaabalahan
Pinagpaguran, pinagpawisan
Pinagpuyatan, pinaghirapan
Pagkatapos ng klase’y mag-iiba na ng kaanyuan
Kanina’y nakapang disente, ngayo’y nakapang bagsakan naman
Ipakita ang talento sa kongkretong entablado
Sa harap ng naghihiyawang mga tao
Mga palakpak at sigawan ninyo
Isang napalaking prebelihiyo na kayo’y pagtanghalan ko
Wag magsasawang gawin ang gusto kahit wala nang sumusuporta sayo
Ito ay ginagawa mo para sa sarili mo
Hindi para pasayahin ang ibang tao
Huwag maging alipin sa mga hurado
Gawin mo ang mahal mo hangga’t naniniwala ka sa sarili mo
Ako’y nagpapasalamat sa talento na sa akin ibinigay
Kaya’t sa bawat pagtatanghal ay sa iyo inaalay
Magsayaw kasama ka ay ang aming pinakamalaking gabay
Kaya’t sana’y sa aking paglalabakbay ay ikaw parin ang aking kaakbay.
SALAMAT PANGINOON, SA TALENTONG IYONG PABAON
Ang pagsasayaw ay akin ng ginagawa mula pagkabata pa lamang, dahil dito ako ay natutong makisalamuha sa ibat-ibang tao at magkaron ng mas malaking tiwala sa sarili at maniwala sa kakayanan na kayang gawin. Dahil sa pagsasayaw ay mas nailalabas ko ang aking nararamdamn sa pamamagitan ng pagsayaw. Maraming bagay ang naitulong ng pagsasayaw sa akin, maliban sa nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ay mas nakilala ko ang sarili ko at natuto pa sa mas maraming bagay.